Archive for July, 2005

Bukas Ay Sisikat Na Talaga Ako, Pramis!

Tuesday, July 19th, 2005

Bukas ng alas diyes ng umaga, kikitain ko ang maybahay ng may-ari ng British jazz label Candid Records, ang record company na unang naka-diskubre ng aking multitasking skills, upang pag-usapan kung paano kami magkakapera sa mga kanta ko. Sawa na akong famous lang at hindi rich. Hanggang ngayon, hindi pa inaaksyunan ng GMA marketing ang application kong maging PR Senior Writer. At hanggang ngayon, hindi pa rin inaaksyunan ng Manila Bulletin group ang alok ko. Sabi ko ang kapal na masyado ng Obituary page nila, kaya bakit hindi tayo mag-publish ng isang monthly Obituary magazine na puro ghostwriters ang magsusulat?! Diba ok yun? Kaya heto, starving beauty. Waiting for Pepot. Ang daming nagsabi sobra nga daw akong pumayat. Walang makain, kaya nagbabati na lang. He heh. Hindi naman palagi. Mahirap nang mabulag sa mga panahong ito. Sabi nga ng komersyal: Bawal magkasakit!

Kahapon nga, habang sinusulat ko ang blog ay nakagawa talaga ako ng kanta. Kasalukuyang nasa Alpha Records na ang kantang ito at hinahanapan na nila ng artist dahil nagustuhan nila ito. Heto ang lyrics ng kanta na sa tingin ko ay magpapasikat na sa akin bukas na bukas din!

Pamagat: Kris Aquino (kasi nakaka-relate ako)

Tono: Baliw-baliw folk na dreamy pop, parang mga kanta ng Ivy

Key signature: G

————

May aaminin ako sa inyo Ms. Kris Aquino

Nagkaproblema din ako ng tulad ng sa inyo

Nga lang ako’y isang babaeng ordinaryo

Kahit kelan ‘di pa ako nadiya-diyaryo

Matalino din ako, Ms. Kris Aquino

Masipag matiyaga sabi ng teacher ko

Nga lang kapag ako’y umibig sobrang naaaliw

Kaya heto para na akong isang baliiiwww

La la la la

May aaminin ako sa inyo Ms. Kris Aquino

Nahumaling din ako sa pag-ibig tulad niyo

Natuwa sa isang taong ‘di dapat katuwaan

Ngayon ako’y umuuwi sa bahay nang luhaan

Matalino din ako Ms. Kris Aquino

Masipag matiyaga sabi ng teacher ko

Nga lang minsan ‘di gumagana ang utak ko

Pinapairal ang higante, ang higante kong pu….so

La la la la

Kaya wasak na ngayon ang aking maliit na mundo

Nadurog parang kape

Sa mga yapak ng puso ko dahil higante ito

Kung sa akin nangyari ang mga nangyari sa inyo

Papansinin pa kaya ako ng madlang Pilipino?

Ano ba ang feeling na may kamag-anak na Cojuangco?

Ang hirap din sigurong hindi basta maging sino

Lalo na kung ikaw…si Kris Aquino

La la la la….(hanggang malagutan ng hininga ang songer)

All rights reserved 2005

Mahirap Na Masarap

Tuesday, July 19th, 2005

Kakabasa ko lang kanina sa Scientific American Mind na hindi raw advisable ang "multitasking" unless mga rote activities ang ginagawa mo, katulad ng pag-nguya ng bubble gum habang naglalakad. Kunwari, gagawa ka ng report at mag-check ng email nang sabay. Ayon sa kanilang pag-aaral, mas bumabagal daw ang trabaho pag ganun. Parang may hangganan daw ang kayang gawin ng sabay ng mga neurons at cortex ng utak natin, tulad siguro ng pag-ungol habang bumabayo. Hay ewan. Hindi pa ‘ata nakakarating ng Pilipinas ang mga taga-Scientific American Mind. Kawawa naman sila, puro specialization at nanotechnology ek lang ang alam nila! Dahil lingid sa kaalaman nila, habang sinusulat ko itong blog na ito, gumagawa na rin ako ng kanta! Basta maraming Pilipino ang multitasker at isa na ako doon! Kaya punta na kayo sa isa ko pang blog: candidisha.multiply.com para sa pruweba ng aking multitasking skills!