Bukas Ay Sisikat Na Talaga Ako, Pramis!
Bukas ng alas diyes ng umaga, kikitain ko ang maybahay ng may-ari ng British jazz label Candid Records, ang record company na unang naka-diskubre ng aking multitasking skills, upang pag-usapan kung paano kami magkakapera sa mga kanta ko. Sawa na akong famous lang at hindi rich. Hanggang ngayon, hindi pa inaaksyunan ng GMA marketing ang application kong maging PR Senior Writer. At hanggang ngayon, hindi pa rin inaaksyunan ng Manila Bulletin group ang alok ko. Sabi ko ang kapal na masyado ng Obituary page nila, kaya bakit hindi tayo mag-publish ng isang monthly Obituary magazine na puro ghostwriters ang magsusulat?! Diba ok yun? Kaya heto, starving beauty. Waiting for Pepot. Ang daming nagsabi sobra nga daw akong pumayat. Walang makain, kaya nagbabati na lang. He heh. Hindi naman palagi. Mahirap nang mabulag sa mga panahong ito. Sabi nga ng komersyal: Bawal magkasakit!
Kahapon nga, habang sinusulat ko ang blog ay nakagawa talaga ako ng kanta. Kasalukuyang nasa Alpha Records na ang kantang ito at hinahanapan na nila ng artist dahil nagustuhan nila ito. Heto ang lyrics ng kanta na sa tingin ko ay magpapasikat na sa akin bukas na bukas din!
Pamagat: Kris Aquino (kasi nakaka-relate ako)
Tono: Baliw-baliw folk na dreamy pop, parang mga kanta ng Ivy
Key signature: G
————
May aaminin ako sa inyo Ms. Kris Aquino
Nagkaproblema din ako ng tulad ng sa inyo
Nga lang ako’y isang babaeng ordinaryo
Kahit kelan ‘di pa ako nadiya-diyaryo
Matalino din ako, Ms. Kris Aquino
Masipag matiyaga sabi ng teacher ko
Nga lang kapag ako’y umibig sobrang naaaliw
Kaya heto para na akong isang baliiiwww
La la la la
May aaminin ako sa inyo Ms. Kris Aquino
Nahumaling din ako sa pag-ibig tulad niyo
Natuwa sa isang taong ‘di dapat katuwaan
Ngayon ako’y umuuwi sa bahay nang luhaan
Matalino din ako Ms. Kris Aquino
Masipag matiyaga sabi ng teacher ko
Nga lang minsan ‘di gumagana ang utak ko
Pinapairal ang higante, ang higante kong pu….so
La la la la
Kaya wasak na ngayon ang aking maliit na mundo
Nadurog parang kape
Sa mga yapak ng puso ko dahil higante ito
Kung sa akin nangyari ang mga nangyari sa inyo
Papansinin pa kaya ako ng madlang Pilipino?
Ano ba ang feeling na may kamag-anak na Cojuangco?
Ang hirap din sigurong hindi basta maging sino
Lalo na kung ikaw…si Kris Aquino
La la la la….(hanggang malagutan ng hininga ang songer)
All rights reserved 2005
July 20th, 2005 at 12:11 am
*mamamatay na ako katatawa* isa kang rin lukring tulad ni tori. i tell you, the song’s gonna be a hit! magsimula ka nang magbilang ng royalties!
August 4th, 2005 at 2:11 am
nice one tita pi… natawa din si mommy..
lol
see me: http://www.tabulas.com/~machiavelli03
September 23rd, 2005 at 11:09 pm
peach, tingin ko totoo ang title ng blog entry mo! siguraduhin mong nasa iyo nga ang copyright nito.. WINNER eh! ;D
January 20th, 2007 at 7:50 am
keep on dreaming and good luck.
January 20th, 2007 at 7:59 am
Dear Pearlsha, Why not try and rediscover Islam instead? Kamaya.
April 8th, 2007 at 3:28 am
eeekkk… weird ng song… title pa lang kakakilabot na… pwede na talaga maging tori amos of the philippines…
April 8th, 2007 at 3:28 am
eeekkk… weird ng song… title pa lang kakakilabot na… pwede na talaga maging tori amos of the philippines…